I. Panimula
                             Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay na tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan at problema.
                      II. Formalistiko
                                A. Buod
                                        Ang kwentong ito naman ay tungkol sa isang batang manok na nahihiyang tumilaok. Tuwing umaga ay maagang nagsisigisingan ang kanyang mga kapwa manok upang tumilaok at maipahayag ang simula ng panibangong araw. Ang ating bidang manok naman ay nahihiya sapgakat pinaniniwlaan niyang mahina ang kanyang boses at namamaos pa. Pinagtatawanan na rin tuloy siya ng iba pang mga manok dahil doon. Nawalan na talaga siya ng tiwla sa kanyang sarili at minabuti nang hindi na lang sumubok na tumilaok pang muli. Napansin ito ng kanyang ina at kinausap siya tungkol dito. Inamin niya sa kanyang ina  na nahihiya siya sa kanyang tinig. Dito ay pinalaks ng kanyang ina ang loob na huwag mahiyang ipakita ang kanyang angking katangian at galing sa iba pang manok. Simula noon ay sinubukan na niya muling tumilaok at nag ensayo hanggang sa makuha na niya ito. Humanga ang iba pang manok sa ipinakita niyang determinasyon at dedikasyon. Ngayon ay hindi na naiiba pa ang ating bida sa kanyang mg kapw manok. Siya ay kasama na nilang tmilaok bawat umaga. Nagpapasalamat ang batang manok sa kanyang butihing ina at nangangakong ituturo rin ito sa susunod pang " mahiyaing manok".
                                B. Mga Elemento
                                           1. Paksa- tungkol sa pagiging mahiyain ng manok.
                                           2. Tagpuan- sa bukid.
                                           3. Tauhan - mahiyaing manok, butihing ina ng mahiyaing manok.
                                           4. Banghay
                                                  a.  Panimula
                                                         Ang kwentong ito naman ay tungkol sa isang batang manok na nahihiyang tumilaok. Tuwing umaga ay maagang nagsisigisingan ang kanyang mga kapwa manok upang tumilaok at maipahayag ang simula ng panibangong araw. Ang ating bidang manok naman ay nahihiya sapgakat pinaniniwlaan niyang mahina ang kanyang boses at namamaos pa.
                                                  b. Saglit na Kakintalan
                                                             Ang pagiging mahiyain ang nagpapawal ang tila sa sarili.
                                                  c.Papataas na Aksyon
                                                              Pinagtatawanan na rin tuloy siya ng iba pang mga manok dahil doon. Nawalan na talaga siya ng tiwla sa kanyang sarili at minabuti nang hindi na lang sumubok na tumilaok pang muli. Napansin ito ng kanyang ina at kinausap siya tungkol dito. Inamin niya sa kanyang ina  na nahihiya siya sa kanyang tinig.
                                                  d. Kasukdulan
                                                               Dito ay pinalaks ng kanyang ina ang loob na huwag mahiyang ipakita ang kanyang angking katangian at galing sa iba pang manok. Simula noon ay sinubukan na niya muling tumilaok at nag ensayo hanggang sa makuha na niya ito. Humanga ang iba pang manok sa ipinakita niyang determinasyon at dedikasyon.
                                                  e. Pababang Aksyon
                                                              Ngayon ay hindi na naiiba pa ang ating bida sa kanyang mg kapw manok. Siya ay kasama na nilang tmilaok bawat umaga.
                                                   f. Wakas 
                                                               
Nagpapasalamat ang batang manok sa kanyang butihing ina at nangangakong ituturo rin ito sa susunod pang " mahiyaing manok".

                                                   g. Tunggalian
                                                                   Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa sarili dahil nilabanan niya ang takot at pagiging mahiyain niya.
                                            
                                             5. Paningin -  maganda ang kwento may mapupulot na aral dito.
                      III. Teoryang Pampanitikan                      
                             A. Ipaliwanag ang mga teoryang pampanitikan
                                  1. Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o            magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
                                2. Humanismo - Ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

                                3. Romantisismo - Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay angpapakita ng pagmamahal ng Tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa.

                                4. Formalismo - Ito ay modernismo o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo.

                                5. Markismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

                                6. Moralistiko - Ito ay teoryang nagbibigay-diin sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, ang kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa.

                                 7. Sosyolohikal - Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

                                 8. Biyograpikal - Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

                                 9. Arkitaypal - Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto katulad ng Heroes of Newerth.

                                 10. Klasisismo - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makulay na kultura ng mga europeo. kakitaan din ito ng paggmit ng salitang hari at reyna atbp. ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

                                  11. Realismo – ipakita ang mga karanasan, ipakita ang nasakisihan ng may-akda sa lipunan.

                               B. Teoryang gagamitin sa pagsusuri
                                          Ang gagamitin ko rito ay ang teoryang realismo dahil ang mahiyaing manok dito ay katulad ng ibang tao na nahihiya sa kanilang sarili, meron pa ngang nanawalan ng tiwala sa kaniyang sarili at dahil doon ay nawawalan siya ng determinasyon at dedikasyon.

                              C. Pagsusuri gamit ang teoryang napili
                                          Ang kwentong "ang mahiyaing manok" ay ginamitan ko po ng teoryang realismo dahil sa totoong buhay ay may katangian ang mga tao tulad ng sa mahiyaing manok.

IV. Reaksyon
Maganda ang kwento,  naiintindihan ko na at mayroon na naiiwan na aral sa kwento. Nakakalungkot lang dahil sa pang aasar ng mga manok sa mahiyaing manok ay hindi niya na sinubukan pang tumilaok pero salamat sa butihin niyang ina dahil lumakas ang loob niya.



Leave a Reply.