Isang umaga,pinilit ni Vic makapagluto ng maayos na pagkain dahil nagugutom na siya. Sinimulan niyang magluto ng pritong itlog ngunit nasunog ito tapos nagluto uli siya pero ganoon pa rin ang nangyari hanggang sa nakasayang siya ng limang itlog. Gusto niya talagang makapagluto ng masasarap at maayos na pagkain, sa tuwing magluluto si Vic ay pangit ang lasa kaya naman pumunta siya sa pinsan niyang si Cesar na napakagaling magluto.  Nagpunta na siya doon upang humingi ng libro ng mga recipe. Nagpaturo na rin si Vic kay Cesar sa kanyang magluto ng madali muna, umuwi na siya at kinabukasan ay sinubukan kong magluto pero ayaw pa rin kaya naman inulit ulit niya ito hanggang sa makuha kung paano ito lutuin.
           Simula noong natuto si Vic ng pagluluto ay siya na ang nagluluto ng mga pagkain nila sa bahay at ito ay nagugustuhan nila,di na ito tulad nung dati na pangit ang lasa at laging sunog. Natuto rin siyang magbayk ng cake at mga dessert,pati na ang ibang dishes ng ibang bansa ay naluluto niya na rin.