Sandaang Damit 

                     
                      I. Panimula
                             Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay na tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan at problema.
                      II. Formalistiko
                                A. Buod
                                        May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. At ang mga bagay na ito ang dahilan kung bakit siya inaasar ng kanyang mga kaklase. At naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. At isang araw biglang nagkatinig ang bata, nagmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang damit. Ikinuwento niya sa kanila ang bawat detalye ng kanyang damit. At simula noon ay naging malapit na siya sa kanyang mga kaklase.
                                         Nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro at ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing mga drawing lamang.

                                B. Mga Elemento
                                           1. Paksa- tungkol ito sa pakikipagkapwa ng isang batang babae sa kanyang mga kaklase gamit ang pagsisinungaling.
                                           2. Tagpuan- sa eskwelahan at bahay ng batang babae.
                                           3. Tauhan - Batang Bababe, Mga Kaklase ng batang babae, nanay ng batang babae 
                                           4. Banghay
                                                  a.  Panimula
                                                             May isang batang mahirap. Siya ay  nag-aaral. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.
                                                  b. Saglit na Kakintalan
                                                             Ang Pagsisinungaling ay maaaring magdulot ng kasamaan sa kapwa at sa sarili.
                                                  c.Papataas na Aksyon
                                                              Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kanyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya lumayo siya sa kanila. Naging tahimik at Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi naman lingid sa kanyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. 
                                                  d. Kasukdulan
                                                              Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kanyang mga kaklase na siya’y kanilang talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kanyang isip. Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walanng magawa ang kanyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.
“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.
“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”
Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.”
                                                              May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kanyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. 
                                                  e. Pababang Aksyon
                                                               Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang kendi.
                                                   f. Wakas 
                                                                Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kanyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa  pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
                                                   g. Tunggalian
                                                                   Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa lipunan dahil sa panghuhusga ng mga kaklase ng batang babae sa kanya.
                                            
                                             5. Paningin -  maganda ang kwento may mapupulot na aral dito.
                      III. Teoryang Pampanitikan                      
                             A. Ipaliwanag ang mga teoryang pampanitikan
                                  1. Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o            magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
                                2. Humanismo - Ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao.

                                3. Romantisismo - Sa teoryang romantisimo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay angpapakita ng pagmamahal ng Tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa.

                                4. Formalismo - Ito ay modernismo o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo.

                                5. Markismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

                                6. Moralistiko - Ito ay teoryang nagbibigay-diin sa mga layuning dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, ang kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at wastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa.

                                 7. Sosyolohikal - Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

                                 8. Biyograpikal - Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

                                 9. Arkitaypal - Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto katulad ng Heroes of Newerth.

                                 10. Klasisismo - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng makulay na kultura ng mga europeo. kakitaan din ito ng paggmit ng salitang hari at reyna atbp. ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

                                  11. Realismo – ipakita ang mga karanasan, ipakita ang nasakisihan ng may-akda sa lipunan.

                               B. Teoryang gagamitin sa pagsusuri
                                          Ang gagamitin ko rito ay ang teoryang markismo dahil ang batang babae ay nagpapakita ng katangian ng isang tao na may kakayahan na umangat sa buhay gamit ang pagsisinungaling.

                              C. Pagsusuri gamit ang teoryang napili
                                          Ang kwentong Sandaang Damit ay ginagamitan ng teoryang Markismo dahil nagpapakita rito ng kakayahan ng tao na umangat sa buhay niya gaya ng ginawa ng batang babae sa kwento, dahil sa pagsisinungaling niya ay pinansin siya ng mga kakalase niya.

IV. Reaksyon
Maganda ang kwento, medyo naiintindihan ko na at mayroon na naiiwan na aral sa kwento. Nakakalungkot lang dahil sa pagsisinungaling siya umangat pero masama ang magsinunggaling.
7/7/2015 02:55:07 pm

I can't understand because It's Tagalog

Reply
dg
12/4/2016 12:06:51 am

bobo

Reply



Leave a Reply.