MAAGANG MAAGA NAGISING SI REY. Isang espesyal na araw ito para sa kanya , lumabas na siya sa kwarto niya at tinignan kung nagising na ang mga magulang niya pero tulog pa sila. Bumalik siyang malungkot sa kanyang kwarto at natulog muli siya, hindi niya alam na ang mga magulang niya ay palihim na umalis para bumili ng mga handa ni Rey at regalo.
                   Gumising siya ulit pero mga 8:30 na iyon at dali-dali siyang pumunta sa kwarto ng mga magulang niya upang tignan muli kung gising na sila. Nakaalis na ang papa at mama niya , naiwan silang dalawa ng kapatid niyang si Alex nanood sila ng mga cartoons sa telebisyon nila. Ang alam ni Rey ay pumunta ang papa at mama niya sa tindahan nila at nagtitinda buong maghapon, " nakalimutan na nila na kaarawan ko ngayon ". Masama ang loob ni Rey sa papa at mama niya , nagkulong siya sa kwarto niya at nakahiga tapos maya - maya pa ay nakarinig siya ng tinig na halos kahawig ng tinig ng papa at mama niya. Kumaripas ng takbo palabas ng kwarto si Rey , pumunta siya sa sala, sa kusina,kwarto ng papa at mama niya pero walng tayo ni isa pati ang kuya Alex niya ay wala tapos may naaninag siya sa may gate nila. Natatakot na si Rey at umiiyak na tumatakbo doon sa may gate at pagbukas niya at nagulat siya , nasa isang kwarto siyang puro itim ang nakikita niya at dahil dito ay nadagdagan pa ang takot niya kaya napasigaw siya.
                    Nagising si Rey , pawis na pawis at sobrang bilis ang tibok ng puso, nanaginip lang pala siya tapos lumabas siya ng kwarto at naroon ay nakita niya na ang papa at mama niya may dala - dalang mga pagkain at regalo binati siya ng papa, mama at kuya niya " HAPPY BIRTHDAY "

        Ipinagdiwang nila ang kaarwan ni Rey ng sama - sama at may sayang hindi maipaliwanag.