Nakilala ko siya sa isangparke malapit sa amin, bagong lipat lang daw sila kaya naman nakipagkilala ako at nakipag kaibigan sa kanya.
               Pumunta kami sa kanila at nakita kong maliit lang ang inuupahang bahay nila, anim silang magkakapatid tsaka nakita ko kung gaano sila kahirap. Pag - uwi ko ay kinuha ko ang mga libro, pangkulay  at bag na hindi naman masyadong luma at iyon ay ibinigay ko sa kanya . Siya ay nasa ikalimang taon ng pag-aaral at ako nama'y nasa ikaanim na ng taon sa pag-aaral, sabay kaming pumapasok araw-araw pero makalipas ang ilang buwan ay hindi na siya pumapasok kaya naman pinuntahan ko siya sa bahay nila at naroon siya.
               Nabanggit niya sa akin na gustung-gusto niya ang maging magaling na mang-aawit kaya naman sinabi ko sa kanya na may mga pangarap pa siyang gustong maabot at matupad at kailangan niya lang magsikap ng magsikap.Tinutulungan ko siyang pagndahin ang boses niya sa pamamagitan ng pagreresearch ng mga paraan upang mapaganda ang boses, lumipas ang ilang taon ay bumalik sila sa probinsya nila. Makalipas ang maraming taon ay napanood ko siya sa isang sikat na palabas at iyon naging magaling siyang mang-aawit dahil sa nagsikap siya noon at nagtatrabaho pa siya sa tindahan ng mama ko upang magkaroon lang ng pangbaon at pandagdag sa  pagkain nilang buong pamilya.