I. Panimula
Ang sumulat ng kwentong ito ay si Iñigo Ed. Regalado, ito ay isinulat sa paksang pagtulong
sa iyong kapwa at ito rin ay isinulat upang maiparating sa atin na kahit lahat ng tao ay pwedeng
tumulong sa kapwa nila.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
a. Paksa
Ang pagtulong sa kapwa ay laugod-lugod sa paningin ng poong maykapal.
b. Simbolo
Ang lalaki ay may mahabaging puso , sinisimbolo nito ang pagiging matulungin sa kap-
wa kahit hindi mo kaano - ano.
c. Uri
Ang kwentong sinusuri ko ay isang trahedya dahil isa sa mga karakter nito ay namatay.
Ang trahedya ay isa sa mga uri ng maikling kwento.
d. Magandang Pahayag
"Mahabaging maginoo......kayo po ang bahala sa aking kulang-palad na anak." Ipina-
pahayag dito na ang mabuting maginoo na ang bahala sa anak ng babae na kapus-palad
o mahirap dahil hindi niya na ito maalagaan dahil mamamatay na ang babae.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
1. Mga pahiwatig at mga kahulugan nito
mahabaging lalaki - madaling maantig ang puso, mabait at matulungin sa kapwa.
mata na biglang lumamlam - naging malungkot ang ekspresyon ng mata.
2. Mga aral o implikasyon
Maging matulungin sa kapwa sa abot ng makakaya at dapat galing sa puso ang
tulong mo, huwag kang mananakit ng kapwa mo dahil kalugod-lugod ito sa paningin
ng poong maykapal.
3. Kalakasan at kahinaan ng pagsulat
Maganda ang kwento, madaling makapukaw ng damdamin ng tao gaya ko, ma-
husay ang pagkakagawa, tama ang mga ipinapahayag dito na tulungan ang kapwa
kahit na mahirap ka man o mayaman.